ppa pmo-nos activities cy 2025

PPA PMO-NOS in support of local and national activities to promote camaraderie and environmental awareness.

๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐š๐ญ: ๐๐Œ๐Ž ๐๐Ž๐’, ๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐œ๐ฎ๐›๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž๐ซ๐จ

Matagumpay na naisagawa ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor (PMO NOS) ang isang scubasurero o underwater cleanup drive noong Hulyo 6, 2025, sa Port of Dumaguete bilang bahagi ng adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan at karagatan.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang 33 volunteer divers mula sa Apo Scubadiving, Critter Republic, Aldive Resort, at Philippine Ports Authority. Sama-sama nilang nilinis ang bahagi ng karagatan sa paligid ng pantalan at nakalikom ng 12 sako ng basura.
Nasaksihan din ng mga diver ang kagandahan at kasaganahan ng yamang-dagat sa lugar. Ayon sa kanila, kamangha-mangha ang makulay at buhay na buhay na marine biodiversity.
Layunin ng scubasurero na hindi lamang linisin ang karagatan, kundi pukawin din ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

๐๐Œ๐Ž ๐๐Ž๐’ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐€๐ซ๐›๐จ๐ซ ๐ƒ๐š๐ฒ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month at bilang paggunita sa Philippine Arbor Day, matagumpay na isinigawa ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor (PMO NOS) ang isang Tree Planting Activity noong Hunyo 24, 2025, sa Brgy. Banban, Ayungon, Negros Oriental.
Sa pakikipag-ugnayan sa DENR-CENRO Ayungon, sama-samang nagtanim ang 53 na masisigasig na kawani ng PMO NOS at nagtanim ng 500 na mga katutubong punla, isang malinaw na patunay ng na pangako ng PMO sa pangangalaga ng kalikasan, baligubat, at konserbasyon ng saribuhay.
Isa sa mga tampok na bahagi ng aktibidad ang pagbisita ng PMO sa Modern Mechanized Forest Nursey (MMFN) facility ng DENR-CENRO Ayungon. Dito ay isinagawa ang isang demonstrasyon ng automatic seeder machine, kung saan nagkaroon ng pagkakataon sa mga kalahok na masaksihan ang paggamit ng makabagong teknolohiya mula paghahanda ng mga punlaan hanggang sa mismong proseso ng pagtatanim.
Itinampok ng makabuluhang pagtutulungan ito ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsusulong ng mga inisyatibong pangkalikasan at eco-governance sa antas ng komunidad.

๐๐Œ๐Ž ๐๐Ž๐’ ๐‰๐จ๐ข๐ง๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž ๐๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‚๐จ๐š๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐ž ๐๐ข๐จ๐๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ

The Philippine Ports Authority, Port Management Office of Negros Oriental/Siquijor (PPA PMO NOS) participated in a mangrove planting activity on July 20, 2025 in Barangay Banilad, Dumaguete City, together with various government and private partners.
โ€‹
The initiative is part of a campaign to plant one million mangrove propagules aimed at restoring coastal ecosystems, protecting marine biodiversity, and enhancing climate resilience. It also supports the upcoming International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem on July 26.
โ€‹
Mangroves play a vital role in shoreline protection, marine life habitat, and carbon sequestration. PMO NOS remains committed to environmental stewardship under the banner: โ€œOur Ocean, Our Obligation, Our Opportunity.โ€
โ€‹

๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ž๐ซ ๐•๐ข๐ž๐ฐ ๐‚๐š๐Ÿรฉ, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐ž ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ญ๐ฒ ๐š๐ญ ๐’๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ

Pinangunahan ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor (PMO NOS) ang Kapihan sa Pier View Cafรฉ: Forum on Maritime Safety and Security, Huwebes, ika-3 ng Hulyo 2024, sa Pier View Cafe, Passenger Terminal Building 1, Port of Dumaguete.
โ€‹
Layunin ng nasabing aktibidad na palalimin ang koordinasyon at kamalayan ng publiko sa mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad sa maritime sector. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa PMO NOS, Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Bureau of Customs (BOC), Cargo Handling Operator, at shipping lines.
โ€‹
Ilan sa mga pangunahing tinalakay sa forum ay ang modernisasyon ng mga sasakyang pandagat at ang Bill of Rights ng mga pasahero, na ipinaliwanag ni Engr. John Lester Pitogo ng MARINA. Tinalakay naman ni Atty. Vicente Andrew Espina ng Bureau of Customs ang mga istratehiya laban sa smuggling sa pantalan. Si Lt. Aldrin Barnizo ng PCG ang nagbigay-linaw sa mga hakbangin upang maiwasan ang overloadingng mga pampasaherong sasakyan.
โ€‹
Mula naman sa hanay ng PMO, ibinahagi ni Station Commander Dodge Christian Cagaanan ang mga inisyatibo ng ahensya sa pagpapalakas ng port security, habang tinalakay ni Chief Safety Officer Jose Fernando Manlapaz ang mga programa para sa pagpapaigting ng port safety sa mga pantalan sa ilalim ng PMO.
โ€‹
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Acting Port Manager Rey T. Del Moro, Jr. ang kahalagahan ng multi-agency collaboration upang matiyak ang isang ligtas at episyenteng maritime transport system sa rehiyon.
โ€‹
Ang Kapihan sa Pier View Cafe ay isa sa mga inisyatibo ng PMO NOS upang maisulong ang stakeholder engagement at public awareness sa mga isyung may kaugnayan sa maritime safety and security.
โ€‹

๐’๐ก๐š๐ซ๐ž ๐š ๐Œ๐ž๐š๐ฅ: ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐Œ๐Ž ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ง

Sa pagpapatuloy ng maagang selebrasyon ng Maritime Week, namahagi ng mga pagkain ang mga kawani ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor sa mga port worker at stakeholder ng Port of Dumaguete noong ika-4 ng Hulyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isang inisyatibo upang magbigay-pugay at pasasalamat sa mga tauhang may mahalagang ambag sa pagpapaayos at pagpapaunlad ng operasyon sa pantalan.
โ€‹

๐Œ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ซ๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐๐ž๐ ๐ซ๐จ๐ฌ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ/๐’๐ข๐ช๐ฎ๐ข๐ฃ๐จ๐ซ (๐๐Œ๐Ž ๐๐Ž๐’)

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Maritime Week, nagsagawa ng mural painting competition ang Port Management Office ng Negros Oriental/Siquijor. Ang kompetisyon ay isinagawa mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 4, 2025, at ginanap sa Port of Dumaguete.
Ang patimpalak ay may temang “Our Ocean, Our Obligation, Our Opportunity” na may layuning ipakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan. Ipinamalas ng mga empleyado ng PMO NOS ang kanilang kreatibidad at talento sa pamamagitan ng makukulay at makabuluhang likhang-sining.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, pinalalakas ang mensahe ng pagiging responsableng indibidwal sa pangangalaga ng ating karagatan. Sa simpleng paraan, tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pag-iwas sa paggamit ng plastik, makakatulong tayo sa pagpapanatiling malinis at buhay ang ating karagatan para sa susunod na henerasyon.

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง: ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐š๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐Œ๐Ž

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Maritime Week, pininturahan ng mga kawani ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor ang mga bollard sa Port of Dumaguete nitong ika-4 ng Hulyo 2025.
Ang bollard ay isang mahalagang bahagi ng pantalan dahil dito naka-angkla ang mga lubid o mooring lines ng mga barko, upang manatili ang mga ito sa kanilang pwesto.
Ang pagpipinta ng mga bollard ay isang mahalagang hakbang upang madali itong makita tuwing gabi at upang mapanatili ang maayos nitong kondisyon.

๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐„๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ƒ๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐ฎ๐ž๐ญ๐ž

Nagsagawa ng Orientation on Environmental Protection and Conservation ang Port Management Office Negros Oriental/Siquijor (PMO NOS) sa Port Operations Building, Port of Dumaguete nitong ika-2 taong 2025.
โ€‹
Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng mga kawani tungkol sa tamang pangangalaga sa kalikasan at sa mga regulasyong pangkapaligiran sa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA). Nagsilbing resource persons sina Acting Port Manager Rey T. Del Moro Jr. at Janice R. Ortega.
โ€‹
Tinalakay sa oryentasyon ang iba’t ibang isyu sa kapaligiran tulad ng microplastics, coral reef conservation, polusyon sa hangin, at tamang pamamahala ng basura. Ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa mga proyekto ng PPA, pati na rin ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga empleyado sa pagpapatupad ng mga programang makakalikasan at sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga pantalan.
โ€‹
Sa tulong ng mga kaalaman at aktibong pakikilahok ng mga kawani, mas naiintindihan at naisasagawa ang tamang pangangalaga sa kalikasanโ€”isang hakbang tungo sa mas ligtas at maayos na kinabukasan ng mga pantalan.

๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ฆ๐ž ๐–๐ž๐ž๐ค, ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐Œ๐Ž ๐๐Ž๐’

Bilang paggunita sa nalalapit na selebrasyon ng National Maritime Week ngayong Setyembre, sinimulan ng Port Management Office Negros Oriental/Siquijor (PMO NOS) ang mga aktibidad nitong Hunyo 30, 2025, sa Port of Dumaguete.
โ€‹
Ang nasabing selebrasyon ay may temang โ€œOur Ocean, Our Obligation, Our Opportunity.โ€ Ngayong taon, ang Philippine Ports Authority ang napiling mag-host, kaya ang PMO NOS ay naghanda ng mga aktibidad para sa isang linggong selebrasyon.
โ€‹
Binuksan ang programa sa isang masiglang Zumba para sa lahat ng mga kawani ng pantalan, mga shipping line at ang cargo handling operator.
โ€‹
Dagdag pa dito, nagkaroon din ng film showing na nagpapakita kung paano patuloy na mapangangalagaan ang karagatan. Ipinapakita rin dito ang mga problema ng karagatan dulot ng mga basura at iba pang dahilan sa pagkasira nito. Ang nasabing maikling dokumentaryo ay mula sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).