Nakiisa ang mga kababaihan mula sa PPA PMO-Negros Oriental/Siquijor sa pagbubukas
ng National Women’s Month para sa taong 2024 na ginanap sa Pantawan 2 ng Rizal Boulevard, Dumaguete City ngayong araw, ika-1 ng Marso, 2024. Ang pangunahing tema ng pagdiriwang ay “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patunayan!” Ang paglahok ng mga empleyado ng PMO NOS ay nagpapakita ng kanilang suporta at partisipasyon sa pagtataguyod ng karapatan at kakayahan ng kababaihan. Binibigyang-diin ng tema ang importansya ng pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad para sa mga kababaihan sa pagpapabuti ng lipunan. Ang PPA at PMO-Negros Oriental/Siquijor ay taos pusong nakikiisa pagpapahalaga sa papel ng kababaihan sa pag-unlad ng bansa. Ito ay isang pagkakataon para sa lahat na ipakita ang kanilang dedikasyon sa pagsuporta sa adbokasiyang ito at sa pangkalahatang layunin ng pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Mabuhay ang mga kakayanan ng mga kababaihan!